Army sergeant nag-suicide

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal sa harapan ng kaniyang 14-anyos na anak ang isang Army sergeant matapos itong magbaril sa sentido sa bayan ng Tandag, Surigao del Sur kamakalawa. Si M/Sergeant Edwin Obatay, 47, ng Army’s 23rd Infantry Battalion ay nagpasalubong kay kamatayan sa loob ng kanilang tahanan sa Purok Makisama, Brgy. Rosario bandang alas-6:30 ng gabi. Lumilitaw na itinago ng misis ang baril ng kanyang asawa sa palikuran matapos itong utusan ng huli na mag-withdraw ng pera sa ATM machine. Nang makaalis ang misis ay hinanap ng biktima ang baril at nang matagpuan ay nagbaril sa harap ng kaniyang nasorpresang anak na si Jovin Rey Obatay.

Show comments