Vice mayor itinumba

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang vice mayor na may dalawang security escort makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen habang nagdya-jogging sa bayan ng Licab, Nueva Ecija kahapon ng umaga. Nasawi habang ginagamot sa ospital si Licab Vice Mayor Luisito Caraang na sinasabing napuruhan sa katawan. Sa ulat na natanggap ni P/Chief Insp. Danilo Eduardo, hepe ng Licab PNP, lumilitaw na nagdya-jogging ang biktima kasama ang dalawang alalay nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang 'di-pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo. Sinasabing walang nagawa ang dalawang security escort kundi ang isugod sa ospital ang duguang opisyal ng lokal na pamahalaan. Agad namang bumuo ng Task Force Caraang upang imbestigahan ang insidente.

Show comments