Retiradong guro, 1 pa kinatay

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang retiradong guro at ng isa pa nitong kamag-anak matapos na basagin ang mga bungo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa naganap na insidente sa tahanan ng mga ito sa bayan ng Alcantara, Romblon, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Sofronia Bersaba, dalaga, walang hanapbuhay at ang retiradong guro na si Josefa Minano. Sa ulat ng Romblon Provincial Police Office (PPO), nadiskubre ang krimen sa loob ng silid ni Minano bandang alas-11:45 ng tanghali matapos na ireport sa pulisya ng kanilang kamag-anak. Natagpuan ang bangkay ng dalawa na kapwa nakahiga sa kama ng nasa­bing retiradong grupo na pawang basag ang bungo matapos paghahampasin ng matigas na bagay ng hinihinalang isa hanggang dalawang salarin. Isinailalim na sa awtopsya ang bangkay ng mga biktima.

Show comments