Reporter utas sa 2 sasakyan

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang mamahayag makaraang ma-hit and run ng dalawang sasakyan sa kahabaan ng Sinsuat Avenue sa Rosary Heights,Cotabato City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Cecille Honrado-Lucman, correspondent at circulation officer ng Mindanao Bulletin na lingguhang pahayagan. Lumilitaw na hindi napansin ng biktima ang rumaragasang pickup. Sa pahayag ng ilang testigo sa insidente, nang bumagsak sa kalsada ang duguang biktima ay nagulungan pa ng isa pang sasakyan. Gayon pa man, muntik na ring makaladkad ng ikat­long sasakyan na minamaneho ng isang doktor ang siyang nag­dala sa Cotabato Regional Medical Center subalit idineklarang patay ang biktima.

Show comments