Barangay chairman nilikida

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – May kinalaman sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections ang pama­maslang sa isang barangay chairman makaraang ratratin ng ’di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Pem­balayan, Lambayong, Sultan Kudarat kahapon ng umaga. Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Chairman Romeo Ariola Sombreto ng Barangay Pemba­layan, Lambayong. Base sa police report, nakatayo lang sa harap ng Barangay Bagsakan ang biktima nang lapitan at pagba­barilin ng mga ’di-kilalang lalaki. Di-pa man gumu­gulong ang imbestigasyon at hindi pa naihahatid sa huling hantungan ay kaagad naman pinanumpa ni Mayor Florante Agduma si Datu Wanie Guialo bilang kapalit ni Sombreto.

Show comments