Hayskul stude dedo sa adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napaslang ang isang 17-anyos na hayskul stude makaraang pag­tu­lungang gulpihin at saksakin ng grupo ng kabataan na pinaniniwala­ang lango sa bawal na droga sa Sitio Tramo, Barangay San Isidro sa bayan ng Sangay, Cama­rines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Richard Pielago habang naaresto naman ang mga suspek na sina Victor Ariola,18; Eric Bonon,18; Manuel Verzo Jr., 20; Oliver Clapis, 17; Jerwin Sores, 22; at si Jeffrey del Cas­tillo,19. Batay sa ulat ng pulisya, papauwi na ang bik­tima nang mapagtripang harangin at paslangin ng grupo ng mga suspek. Sa fallow-up operation ay na­aresto naman ng pulisya ang mga suspek.

Show comments