TAGUDIN, Ilocos Sur, Philippines – Aabot sa P.1 milyong pabuya ang inilaan ng munisipyo ng Tagudin sa sinumang mapagbibigay ng impormasyon laban sa pumaslang kay Judge Reynaldo Lasacandile kamakalawa ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Lacong.
Sa ipinalabas ng kalatas ng konseho ng nabanggit na bayan, handang magbigay ng P.1 milyon sa sinumang makapagtuturo sa killer ni Judge Lasacandile, 38, ng Vigan City Regional Trial Court Branch 20. Inatasan na ni P/Senior Supt. Eduardo Dopale, ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang pagpapatupad ng Comelec gun ban sa mga inilatag na checkpoint sa nasabing bayan kung saan pinagbabaril ang hukom habang nag-aabang ng masasakyan patungong Vigan City.
Bumuo na ng Task Force Lasacandile sa pamumuno ni Dopale upang resolbahin ang nasabing kaso.
“Mukhang inabangan si judge ng dalawang gunmen dahil alam nila na papasok sa trabaho, at magco-commute lang si Judge Lasacandile,” pahayag ni Dopale.
Lumilitaw sa imbestigasyon na iniwan ng biktima ang kanyang motorsiklo sa pagawaan sa bayan ng Tagudin dahil nasira.
Sinasabing ilang metro lamang ang layo mula sa hiimpilan ang pulisya ang shooting incident.