TAGUDIN, Ilocos Sur, Philippines — Nagulantang ang tahimik na bayan ng Tagudin sa naganap na pamamaslang laban sa isang hukom makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen kahapon ng madaling-araw sa bisinidad ng Barangay Lacong, malapit lamang sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na bayan sa Ilocos Sur.
Dalawang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Judge Rey naldo Lasacandile ng Vigan City Regional Trial Court Branch 20.
Ayon kay P/Senior Supt. Eduardo Dopale, provincial police dreictor, lumilitaw na nag-aabang ng masasakyang bus ang biktima patungong Vigan City para pumasok sa kanyang opisina bandang alas-4:45 ng madaling-araw nang pagbabarilin.
“Mukhang inabangan si judge ng dalawang gunmen dahil alam nila na papasok sa trabaho, nagco-commute lang si Judge Lasacandile,” pahayag ni Dopale.
Si Judge Lasacandile, 38, ay dating prosecutor sa Candon City, at tubong Barangay Salvacion sa nabanggit na bayan.
Nabatid na walang kasama ang biktima nang siya ay tambangan. “Iniwan daw ni judge ‘yong motorsiklo niya sa pa gawaan sa bayan ng Tagudin dahil nasira, at noong nag-aabang na siya ng sasakyan papuntang Vigan ay doon siya binanatan ng gunmen, ang masakit ay ma lapit pa sa PNP station ang pinangyarihan ng shooting incident,” dagdag pa ni Dopale.
Bumuo na ng Task Force Lasacandile sa pa mumuno ni Dopale upang resolbahin ang nasabing kaso.