Pekeng pulis arestado

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang pekeng pulis na may bitbit na baril ang naaresto sa Comelec gun ban check­point sa Brgy. Loma de Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt.Fernando Villanueva ang mga suspek na sina Andrew Dilag, 27; at Vicente Manalad, 32 kapwa nakatira sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Caesar Tanna­gan, naharang ang dalawa habang lulan ng Nissan Sentra na may commemorative plate na PMA-PNPA 99. Nakumpiska sa dalawa ang isang baril at t-shirt na may tatak na pulis pero walang maipakitang kaukulang dokumento.

Show comments