Nurse ni-rape ng 10 manyak

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Napariwara ang kinabukasan ng isang 21-anyos na nurse makaraang pilahan ng sampung lalaki sa plantasyon ng mais sa Barangay Tinaman sa South Upi, Maguindanao noong Linggo ng gabi. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na pina­niniwalaang mula sa angkan ng mayayamang politiko sa nabanggit na bayan. Naisugod naman ang biktima sa Cotabao Provincial Hospital kung saan inilarawan nito ang mga suspek. Ayon kay Dr. Tahir Sulaik, provincial health officer ng Maguindanao, papauwi ang biktima mula sa bahay ng kanyang kaibigang midwife sa Barangay Timanan nang harangin at kaladkarin ng mga rapist sa nabanggit na plan­tasyon. Matapos isagawa ang maitim na balak ay ina­bandona ang duguang biktima kung saan sinaklolohan naman ng ilang residente.

Show comments