Karambola ng motorbike: 2 dedo, 4 sugatan

BATANGAS, Philippines   — Ka­ma­­ta­yan ang sumalubong sa dalawang lalaki habang sugatan naman ang apat na iba pa matapos magka­rambola ang tatlong mo­tor­siklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Bala­yan, Batangas kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Arca­dio Ronquillo, Ba­ tangas PNP Information Officer ang mga nasawi na sina Mario Segunial, 39, ng Barangay Qui­sum­bing, Calaca at Nonato Caisip, 48, ng Barangay Biliran, Nasugbu, Ba­tangas.

Sugatan naman ang mga backrider ni Caisip na sina Ema Ruth Plaza at Joy Plaza-Ramos kung saan nadamay din sina Jose De Padua, 41, ba­rangay coun­­cilor at ang asawang guro na si Nemia De Pa­ dua ng Ba­rangay Calo­ocan, Ba­layan.

Ayon sa police report, binabagtas ni Segunial ang national highway sa Ba­rangay Caloocan nang mag-overtake sa unaha­nang sasakyan hanggang sa mabangga ang kasalu­bong na motorsiklo ni Caisip bandang alas-8:15 ng gabi.

Dahil sa lakas ng pag­ka­­ka­bangga, tumilapon ang motorsiklo ni Segu­nial at tumama naman sa mo­tor­siklo ng mag-asa­wang De Padua na sumu­sunod sa motorsiklo ni Caisip.

Dead-on-the-spot sina Se­gunial at Caisip saman­talang isinugod naman ang mga sugatan sa Madonna General Hospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments