MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isang pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupo na sangkot sa pambobomba sa Immaculate Conception Cathedral noong Hulyo 2009 na kumitil ng buhay ng 5 katao habang 20 pa ang nasu gatan sa isinagawang operasyon sa Cotabato City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Cotabato City Police Director Sr. Supt. Willie Dangane, ang nasakoteng suspek na si Ramil Diocolano.
Sinabi ni Dangane na sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Task Force Tugis sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col Roy Galido at ng kaniyang mga tauhan ang hide-out ni Diocolano sa Brgy. Kakar dakong alas-7 ng gabi. Hindi na nakapalag si Diocolano matapos na mapalibutan ng arresting team ng pulisya at militar.
Nabatid pa na ang suspect ay sangkot rin sa iba pang insidente ng pambobomba at kidnapping for ransom sa Central Mindanao.