Lalaki nagbaril sa harap ng girlfriend

BACOOR, Cavite, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki matapos itong magbaril sa sarili habang nagmamaneho ito ng sasakyan at katabi ang kanyang girlfriend ka­hapon ng umaga sa ba­yang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gian Lapina, 31 at nakatira sa barangay Salinas ng bayang ito habang ang girlfriend nitong si Serene Camanti­gue ay natulala sa pang­yayari.

Ayon sa pulisya, ban­dang alas-10:00 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsu­bishi Pajero nang bigla itong magbaril sa kanyang sintido gamit ang kalibre 38 baril nito sa kahabaan ng Aguinaldo highway sa ba­rangay Panapaan ng bayang ito.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima kaya bumangga ang sasakyan nito sa Mitsubishi adventure na nasa unahan nito.

Mabilis na isinugod ang biktima sa St. Dominic Hospital kung saan ay nasa comatose stage ito habang natulala naman ang girlfriend nito.

May hinala ang mga awtoridad na nag-away ang magkasintahan kaya nagawang magbaril sa sarili ng biktima.

Show comments