Briton dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Isang Briton ang kumpirmadong nasawi habang malubha namang nasugatan ang misis nito makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assasin sa Brgy. Pulong Maragul, Angeles City, Pampanga kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Bruce Anthony Jones, ship captain kung saan naisugod naman sa ospital ang  misis nitong Pinay na si Maricel Aramay Jones. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng Mitsubishi Lancer (UKA448) ang mag-asawa nang ratratin pagsapit sa kahabaan ng Don Jose Street. sa Don Bonifacio Subdivision.

Show comments