5 kidnaper tiklo, Tsinoy nasagip

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng 24-oras, nailigtas ng mga operatiba ng militar at pulisya ang negosyanteng Tsinoy matapos maaresto ang limang miyembro ng kidnap–for–ransom gang sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City noong Martes ng hapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Sajid Khan Miree, Arlyn Sarawi, Nurmina Tambayung, Midzfar Jamar at ang helper sa junkshop ng negosyante na si Joelard Candido na pinaniniwalaang nakipagsabwatan sa mga suspek upang dukutin ang kaniyang among si Vinton So, 47.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang salakayin ng Task Force Zamboanga ng AFP at Zamboanga City PNP ang safehouse ng mga kidnaper sa bahagi ng Nurbin Drive sa Barangay Talon-Talon.

Magugunita na ang biktima ay kinidnap sa loob ng junkshop sa Brgy. Sta. Maria noong Setyembre 19.

Tugis naman ang iba pang kidnaper na responsable sa pagbihag sa biktima.

Show comments