Construction site binomba ng NPA

BATANGAS, Philippines  — Muli na namang naghasik ng lagim ang mga re­beldeng New People’s Army matapos pasabugin ang construction site sa Barangay Kaylaway sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Supt. Arcadio Ron­quillo, Public Information Officer ng Batangas PNP, siyam na ka­wani ng JC Rodri­guez Construction Corp. ang pinadapa bago pina­sabog ang batching plant control room kung saan wala namang nasaktan.Sinubukang sunugin ang water tank, pay­loader, backhoe, tower light generator at ang compactor su­balit hindi ito lumiyab. Napag-alamang bina­bawalan ng mga re­belde ang pagtatayo ng kalsada para sa housing project ng Land Developer Sandari Batulao sa na­sabing lugar.

Show comments