NUEVA VIZCAYA, Philippines — Aabot sa 21-pasahero ang iniulat na nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa may 80 metrong lalim na bangin sa gilid ng highway sa Barangay Hucab, bayan ng Kiangan, Ifugao, kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga sugatang pasaherong naisugod sa Ifugao General Hospital ay sina Arjelene Pindog, Salvador Bravo, PO3 Albert Gupaal, Elea Bifu, Joseph Benhon, Jenevive Dulnuan, mag-uutol na Florence Ponchinlan, Brenda Ponchinlan Mameo, Nadia Ponchinlan Ravis, at si Jevian Habaton.
Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Laurence Mombael, naganap ang insidente bandang alas-4:30 ng madaling-araw kung saan sinasabing nakaidlip ang drayber na si Milan Apilit ng KMS Bus Lines (BVE 205) na patungong Banaue, Ifugao mula sa Baguio City.
Nakakulong naman si Apilit ng Anayo Aritao, Nueva Vizcaya.