Mag-asawa kinatay ng helper

LUCENA CITY, Philippines — Isang wheelchaired ridden na lalaki at asawa nito ang pi­natay matapos pagna­ka­wan ng kanilang kasam­bahay na may isang linggo pa lamang nagtatrabaho sa kaniyang mga amo sa lungsod na ito, kamaka­lawa ng gabi.

Malapit na sa ‘state of de­composition’   ng matag­puan ang bangkay ng mag-asawang sina Ro­berto Ong, 54, at Nenita Bolanos Ong, 56; pawang nakatira sa isang bahay sa panu­lukan ng Merchan at Guin­to St. ng lungsod. Tugis na ngayon ng pu­lisya ang suspek na boy/helper ng mag-asawa na si Joel Hanabahab ng San An­dres, Quezon na tu­makas tangay ang hindi pa ma­batid na halaga ng pera at alahas na ninakaw sa mga biktima.

Sa inisyal na imbesti­gasyon nina PO3 Alvin Evangelista, at PO2 Ran­ dy Buenaventura, officers on case, dakong alas-7:30 ng gabi ay nagtungo si Nestor Ong sa bahay ng ka­patid na si Roberto upang bisi­tahin ang mga biktima at dito na na­dis­kubre ang kri­men. Na­tagpuan si Rober­to na nakalugmok ang katawan na may marka ng nylon cord sa leeg sa gilid ng kama at nakatumba ang kanyang wheelchair. Sa­man­talang ang misis na­man nitong si Nenita ay natagpuan sa loob ng comfort room na may takip ng damit ang mukha at may palatandaan ding pinatay sa sakal.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad sa ilalim ng kama ng mga biktima ang isang duguang tuwalya at ilang pirasong damit ng suspek.

Show comments