Misis dinedo sa printing office

CAVITE, Philippines — Pinasok ng mga armadong kawatan ang isang printing office kung saan pinagpapalo ang magka-live partner na nagresulta sa pagkamatay ng babae sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Si Marivic Vinson ay natagpuang may malaking sugat sa ulo habang si Bernard Bautista ay nasa kritikal na kalagayan kung saan ginagamot sa Our Lady of Pilar Medical Center.

Ayon kay PO1 Dennis Magsay­say, natagpuan ang dalawa bandang alas-9:30 ng uma­ga sa loob ng Berma Printing Press sa bahagi ng Castañeda Street ng na­sabing ba­rangay kung saan pag­nanakaw ang isa sa mo­tibo.

Show comments