Mangingisda todas sa kuryente

QUEZON, Philippines — Namatay ang isang 27-anyos na binata matapos makur­yente habang nangingisda sa sapa sa Ba­rangay Bo­co­han sa Lucena City, Quezon, kama­kalawa ng tanghali.

Naisugod naman ng da­lawang barangay kagawad sa sina Francisco Flores at Sal­vador Duron sa Lucena Uni­ted Doctors Hospital si Dennis Abrenica ngunit idinekla­rang patay.

Ayon kay SPO3 German Merle, nangingisda sa sapa sa pamamagitan ng kur­yente ang biktima nang ma­padikit ang talop na linya ng kuryente sa binti nito.

Dito na nagkikisay ang biktima na nakatapak pa sa tubig.

Show comments