Hayskul stude ginilitan

QUEZON, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kama­tayan ang isang hayskul student na babae na tumangging magpahalik matapos na gilitan ng manyakis na obrero sa Pantalan Pier, Barangay Daungan sa bayan ng Mauban, Quezon, kamakalawa ng madaling-araw. Ginagamot sa Quezon Medical Center si Marinel Morales Quiling,16, ng Barangay Cagsiay habang nadakip naman ang suspek na si Ariel Amador, 19. Ayon kay PO3 Roderick Elardo, nakitulog ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigang si Roseanne Novio dahil malayo ang kaniyang bahay. Na­batid na nagising ang biktima sa ginagawang kamanyakan ng suspek at nang pumalag ay isinagawa ang krimen.

Show comments