3 todas sa minahan

NUEVA VIZCAYA, Philippines — Tatlo sa walong minero na sinasabing naghahanap ng ginto ang iniulat na nasawi makaraang makalanghap ng nakalalasong kemikal sa loob ng minahan sa bayan ng Saguday, Quirino noong Martes.

Kabilang sa mga namatay ay ang mag-amang sina Jimmy Pableo, 33; Mark Anthony Pableo, 18; at si Emmanuel Ignacio, 28, pawang nakatira sa Brgy. La Paz, Saguday, Qurino.

Ang bangkay ng mga biktima ay magkakahiwalay na natagpuan sa butas palabas sa tunnel ng minahan. 

Ayon pa sa ulat, maaring kinapos ng hininga ang mga biktima dahil sa usok ng water pump sa loob ng minahan na humihigop ng tubig upang ibuga sa labas ng tunnel. “The victims were using two water pumps to drain water inside the hole when the incident happened,” pahayag ni P/Senior Supt. Delfin Millo.

Show comments