24-anyos pinatay sa gulpi

QUEZON, Philippines - Isang 24-anyos na lalaki na sinasabing tumanggi sa paghahamon ng suntukan ng tatlong adik sa bawal na droga ang pinatay sa gulpi kamakalawa ng gabi sa Quezon Street, Calusan Bakal, Barangay Poblacion ng bayan ng Burdeus, Quezon, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Jaymark Serrano habang arestado naman ng mga barangay tanod ang tatlo na itinago sa mga pangalang Joe, 17; Rocko, 16; at Mark, pawang nakatira sa Sitio Pulang Lupa ng nasabing barangay. Ayon kay PO2 Neil Monteverde, naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan nang maganap ang insidente.

Show comments