CAMARINES NORTE, Philippines - Umaabot na sa 5-katao ang namamatay sa sakit na dengue sa Camarines Sur, ayon kay Dr. Adolfo Rosales, executive officer ng Provincial Task Force on Health.
May kabuuang 423-katao ang nadale ng dengue at posibleng tumaas pa kung hindi magkakaisa ang mga residente na tumulong sa paglilinis ng kani-kanilang bakuran. Napag alaman na hindi nakakatulong sa pagpatay ng lamok ang ginagamit na fogging machine bagkus itinataboy lamang sa kabilang barangay.
Samantala, umaabot na sa 70-katao sa bayan ng Daet, Camarines Norte ang nadale ng dengue.
Kabilang sa mga barangay na may mga kaso ng dengue ay ang Barangay 1, Bagasbas, Borabod, Calasgasan, Bibirao, Gahonon, Alawihao, Brgy 5, Brgy 3, Brgy lag-On, Brgy. Cobangbang, Brgy. 4, Brgy. Gubat, Brgy. 8, Brgy Magang, Brgy. Camambugan at sa Brgy. Dos.