Sekyu todas sa agaw-armas

QUEZON, Philippines   — Isa na namang security guard ang na­­pa­tay ma­tapos pagbabarilin ng miyembro ng Agaw-Armas Gang sa bisinidad ng beach resort sa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at ibat-ibang bahagi ng ka­tawan si Romeo Gonzales, 49, kawani ng Vigilantes Security Agency at re­si­dente ng Brgy. San Pedro. Sa im­bes­tigasyon ni P02 Roderick Lagrazon, lumilitaw na nag­pa­patrolya sa bisinidad ng Hacienda Escudero ang dalawang sekyu na sina Nelson Amat at Christian Albers nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Nang usisain ng dala­wa ang pinagmulan ng putok ay duguang naka­bulagta ang biktima sa guard house kung saan nawawala ang service firearms nito.

Show comments