Detachment commander todas sa barilan

MANILA, Philippines - Patay ang isang detachment commander ng Philippine Army habang grabe namang nasugatan ang nakalaban nito mata­pos sumiklab ang barilan sa loob ng isang videoke bar sa Brgy. Poblacion, Sto. Tomas, Davao del Nor­te kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa Davao Regional Hospital sa Tagum City ang biktimang si Technical Sergeant Warlito Ju­peda, nasa hustong gu­lang, Detachment Com­man­der ng Barangay Tu­lalian sa ilalim ng Ar­ my’s 72nd Infantry Battalion (IB).

Patuloy namang nilala­patan ng lunas sa paga­mutan ang nakabarilan nitong sibilyan na si Sa­muel Costales.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, bandang ala-1 ng mada­ling-araw ng mangyari ang in­sidente sa loob ng Dayu­han Videoke Bar na mata­tag­­puan sa Brgy. Pobla­cion ng naturang munisi­palidad.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo sa videoke bar ang nasabing biktima ka­sama ang isa pang sundalo na si Cpl. Rommel Pabilo­nia para mag-inuman at ilang saglit pa ay pinag­babato ang mga ito ng grupo ni Costales.

Kinompronta ng biktima sina Costales na agad namang binunot ang dala nitong cal. 45 pistol at pi­nag­babaril ang biktima na bagaman sugatan ay na­ga­wa ring makaganti ng putok.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at isang kutsilyo.

Show comments