Pulis todas sa holdaper

MANILA, Philippines - Isa na namang pulis ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na nangholdap sa pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Sitio Pangan, Marilog District, Davao City kamakalawa ng gabi. Nasapol ng bala ng baril sa ulo si SPO1 Ronnie Panganiban ng Marilog District Police Community Precinct. Nabatid na lulan ng Rural Transit Bus (KVT 949) ang biktima nang ha­rangin at mabilis na umakyat ang grupo ng kalalakihan. Ga­yon pa man, nang mamataan ang biktima na nakasuot pa ng uniporme ng pulis ay agad na pinagbabaril sa ulo. Bago tumakas ang mga holdaper ay nilimas ang mga pera, alahas ng mga pasahero.

Show comments