Tumanggi sa NPA itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 19-anyos na mag­sasaka na sinasabing tumangging sumapi sa mga re­beldeng New People’s Army ang pinagbababaril hanggang sa mapatay kamakalawa ng hapon sa Sitio Kanggito, Barangay Bangao sa bayan ng Baleno, Masbate. Kinilala ang nasawi na si Noel Germina ng Barangay Madangcalan sa nabanggit na bayan. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, abala sa pag­sa­saka sa palayan ang biktima nang ratratin ng grupo ng re­belde. Napag-alamang hinihikayat ng mga rebelde ang bik­tima na sumapi sa kanilang kilusan subalit nagdesisyon ang binata na manatili na lamang bilang magsasaka.

Show comments