CAMARINES NORTE, Philippines — Dahil sa kawalan ng warning sign sa baku-bakong kalsada, isang 33-anyos na mister ang iniulat na nasawi matapos salpukin ng cargo truck ang kanilang motorsiklo sa Maharlika Highway sa Sitio Potot, Barangay Da guit, sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Roberto Obin ng Brgy. San Roque sa bayan ng Mercedes habang kritikal naman ang drayber ng motorsiklo na si Merlito Abogado na ngayon ay nasa Camarines Norte Provincial Hospital.
Ayon sa pulisya, sumuko naman ang driver ng truck (WSL 776) na si Carmelo Pabico, 31, ng Vinzons Avenue, Daet. Nabatid na nauna ng inirereklamo ng mga motorista ang kawalan ng warning sign ng DPWH kaugnay sa kurbadang kalsada na sinasabing lubak-lubak kung saan hindi na mabilang ang nadidisgrasya.