Negosyante tinodas

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Pinaniniwalaang personal na alitan sa negosyo ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang isang negosyante sa bahagi ng Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon. Napuruhan sa ulo si Wahid Guiapar, 35, ng Barangay New Isabela, Tacurong City. Ayon sa report, papaalis na ng Novo Depart. Store ang biktima, sakay ng Sportivo, nang lapitan at pagbabarilin ng nag-iisang lalaki. Pinilit na maisalba ang buhay ng biktima sa Quijano Hospital subalit sinalubong na ni kamatayan kung saan naglakad lamang papalayo sa crime scene ang gunman.

Show comments