Tanod patay sa snatcher

BULACAN, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa isang barangay tanod matapos barilin ng isa sa dalawang snatcher ng cell phone na kanyang sinita sa Barangay Lias sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Danilo Dapadap, 49, ng Brgy. Lias habang nakatakas naman ang dalawa na lulan ng motorsiklo. Lumilitaw na nagreklamo ang isang Francis Joseph Carlos sa barangay hall kaugnay sa modus operandi ng dalawang suspek kaya rumesponde ang biktima. Dito na sinita ng biktima ang dalawa subalit sinalubong siya ng putok ng baril.

Show comments