Misis nagbigti dahil sa kahirapan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Pinaniniwalaang kahirapan sa buhay kaya nagdesisyong magbigti ng isang 16-anyos na misis sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Purok Marcos, Barangay Buhatan sa Sorsogon City. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ng kanyang mister ang asawang si Celyn Domasig. Ayon sa ulat, na may ilang buwan ng nagsasama ang dalawa na sinasabing kapwa walang trabaho. Huling namataan ng ilang residente ang biktima na nakatulala sa labas ng kanilang tahanan bago maganap ang insidente.

Show comments