3 katao tiklo sa shabu

BULACAN, Philippines  — Kalaboso ang binagsakan ng tatlong lalaki matapos makumpiskahan ng ilang gramo ng shabu ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Taal sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Gerald Manalastas, 24, ng Brgy. San Lorenzo, Gapan City; Nelson Patiag, 31; at si Allan Mendoza, 24, ng Brgy. Pulo sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija. Ayon kay P/Chief Insp. Marlon Santos, nasamsam sa tatlo ang P55,000 halaga ng shabu na nakalagay sa maliit na envelop kung saan tinangkang tumakas papalayo ng gasolinahan. Naging positibo rin sa bawal na droga ang tatlo matapos ang drug testing.

Show comments