MANILA, Philippines - Isang wanted na bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom ang pinagbabaril at napatay ng pinaghihinalaang kasamahan nito sa grupo sa Isabela City, Basilan kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Kamsa Limaya, may patong sa ulong P200,000.00 na binawian ng buhay sa internal hemorrhage. Sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa Brgy. Ba-as, Lamitan City ng lalawigan. Tumakas si Limaya sa provincial jail noong nakaraang taon. May hinala ang mga residente na ASG din ang pumatay kay Limaya dahil sa takot na magturo ito sa sandaling mahuli uli ng awtordiad. Nakilala ang bumaril sa biktima na si Jawari Mayarin.