3 mag-uutol natusta sa sunog

CAVITE, Philippines — Nagmistulang inihaw na baboy ang tatlong mag-uutol makaraang makulong sa nasusunog nilang kubo sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Nagmistulang uling sina Bernard Bautista, 5; Mayumi Bautista, 3 at si Rocky Bautista, 2, na pawang nakatira sa Sitio Humayao sa nabanggit na ba­rangay. Lumilitaw na nakipaglamay sa yumaong ka­mag-anak ang mga magulang ng mag-uutol kaya naiwan ang tatlo na magkakatabing natutulog. Nabatid na ma­tumba ang nakasinding gasera sa kawayang sahig kung saan nagsimula ang apoy.

Show comments