Bading nilason ng lover

BULACAN, Philippines — Pinanini­walaang nilason ang ba­ding na nurse ng kanyang lover matapos matagpuan patay sa loob ng sasakyan na sina­sabing tangkang itakas mula sa loob ng hotel sa Ba­rangay Saluysoy sa Meyca­uayan City, Bu­lacan kama­kalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Noli Pacheco ang nasawi na si Leonard Kirby De Leon, 24, ng Brgy. Lawang Bato na­aresto naman ang suspek na si Rie Nikko Martinez, 25, Brgy. Karuhatan, kap­wa sa Valenzuela City.

Lumilitaw na lulan ng Mitsubishi pickup (WRN 297) ang dalawa nang nag-check-in sa MacArthur Suite kung saan tumuloy sa room 11.

Ilang oras ang nakalipas ay naunang lumabas si Mar­tinez subalit pinigil ng sekyu dahil iinspeksyunin muna ng roomboy ang ku­warto na kanyang ginamit.

Dito na natagpuan ng roomboy ang duguang kumot at tuwalya kaya ipinagbigay-alam sa sekyu kung saan nad­iskubre naman ang nag­hihingalong si De Leon sa loob ng sasakyan.

Lumitaw sa resulta ng pag­susuri sa Nazarenus Hospital, nakainom ng isang uri ng la­son ang biktima.

Show comments