Kinalasan ng syota, nagbigti

BULACAN, Philippines — Dinamdam ng 19-anyos na lalaki ang paki­kipagkalas ng kaniyang syota kaya nagdesisyon magbigti sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Balag­tas, Bulacan kahapon ng umaga. Natagpuang nakabitin sa loob ng kuwarto si Alvin Castillo,19, ng Intan Street sa Barangay Burol 1st sa nabanggit na bayan. Ayon kay PO1 Ian Sanchez, huling namataang buhay si Castillo na sumundo sa kanyang mga utol sa bahay ng kanyang lola para magkakasabay na mananghalian, Napag-alamang nagkulong sa kuwarto ang biktima kung saan gumamit ng kumot sa pagpapakamatay. Lu­militaw na naging malulungkutin ang biktima sa naka­lipas na araw dahil sa pakikipagkalas ng kanyang nob­ya sa hindi mabatid na dahilan.

Show comments