Tsinoy trader kinidnap

COTABATO CITY, Philippines — Dahil sa usad-pagong na pagresponde ng pulisya, nagawang dukutin ng mga armadong lalaki ang isang negosyanteng Tsinoy sa bisinidad ng Cotabato City, kahapon.

Tumangging magbigay ng anumang detalye sa media ang pamilya ni Nelson Tay, may-ari ng New Asian Marketing sa Don Rufino Alonzo Street sa nabanggit na lungsod. Ayon sa isang kawani ni Tay, dalawang naka-uni­porme ng sundalo ang pumasok sa tindahan at sapilitang tinangay ang kanilang amo kung saan walang nagawa ang dala­wang sekyu dahil tinutukan at pinadapa sila. Isinakay ang biktima sa asul na van na may plakang RPG382 at tumakas sa direksyon ng Don Rufino Extension.

Napag-alamang tu­matawag sa himplan ng pulisya ang isang testigo para ipagbigay -alam ang insidente subalit walang sumasagot sa telepono.

Nang rumesponde ang mga pulis at mga sundalo, alikabok na lamang ng sasakyan ng mga kidnaper ang dinatnan. 

Show comments