4 tulak tiklo sa P.2-milyong drug bust

MARILAO, Bulacan, Philippines  — Umiskor ang mga operatiba ng pu­lisya matapos na maaresto ng pulisya ang apat na hinihi­nalang big time drug pusher kasunod ng pagkakasamsam ng P.2 M halaga ng droga sa Brgy. Sta. Rosa ng bayang ito kahapon ng ma­daling-araw. Kinilala ni Bulacan Provicial Director Sr. Supt Fernando Villanueva ang mga suspek na sina Noel Amidel 31 tubong Maguindanao, Nasrudin Namla, 26, tubong Cotabato City, Omar Panalandang 26, tubong Sultan Kudarat at Alvin Amirel 31, tubong Cota­bato City pa­wang mga residente ng Ismael Village, Brgy. Sta. Rosa sa bayang ito. Bandang alas-2:10 ng madaling-araw ng ma­sa­kote ng mga awtoridad ang mga suspect sa nasabing lugar. Agad dinakma ng pulisya ang mga suspek ng ku­magat ang mga ito sa poseur buyer na nagresulta rin sa pag­ka­karekober ng anim na sachet ng shabu ng nag­kakahalaga ng P247,000, cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

Show comments