2 huli sa pekeng lisensiya

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawa katao ang inaresto ng Highway Patrol Group sa isang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Oas, Albay dahil sa pagbebenta ng pekeng driver’s license. Ang mga naaresto ay sina Ely Rinon, 46-anyos at Fernan Rinon, 20, pawang mga residente ng naturang lugar. Ayon kay Inspector Jose­lito Equilla ng HPG, nahuli ang 2 sa entrapment na isina­gawa dakong ala-1:10 ng hapon matapos magpanggap ang isang tauhan nito na bibili ng driver na lisensya. Nakumpiska sa mga suspek ang 2 pirasong USB, pekeng profesional driver’s license, pekeng OR, isang laptop at P500 marked money.

Show comments