Koreano dedo ng adik

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines Isang 28-anyos na Koreano ang iniulat na napaslang habang isa pa ang ma­lubhang nasugatan makaraang saksakin ng adik sa rugby na nanloob sa kanilang Internet cafe shop sa Barangay Datu sa bayan ng Mabalacat, Pampanga noong Martes ng umaga. Kinilala ni P/Chief Supt Allan Purisima, ang nasawi na si Sung Jung Hak, 28, ng JVC Apartment, Rivera-Lim St., Diamond Subd., Brgy Balibago, Angeles City. Nasa kritikal namang kalagayan si Richel Roxas, 22, kasamahan sa bahay ni Hak. Gayon pa man, naaresto ng pulisya ang suspek na si Jerico Mandrique, 22. Sa police report, nag­panggap na customer ang suspek sa Love Corner Internet Café sa Plaza Romana Bldg., McArthur Highway kung saan magkasunod na sinaksak ang dalawa.

Show comments