Suspek sa Palawan massacre nadakma

MANILA, Philippines - Apat na araw matapos ang malagim na krimen kung saan napaslang ang isang retira­dong Navy at apat iba pa, naaresto ng pulisya ang pa­ngunahing suspek sa follow-up operation sa Brgy. Bacu­ngan, Puerto Princesa City ka­hapon ng madaling-araw.

Pormal na kakasuhan ang suspek na si Florencio Ma­gada, bukod pa sa kasong 2 counts ng rape na may war­rant of arrest din na inisyu ni Judge Jose Bayano Usman ng Regional Trial Court Branch 50 ng Puerto Prin­cesa City noong Oktubre 14, 2009.

Ayon kay Cruz, ang sus­pek ay nasakote sa Sitio Sta. Fe, Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City dakong alas-2 ng madaling-araw.

Positibo namang kinilala ng ilang testigo si Magada na namataang duguan ang pan­talong asul na tumatalilis mula sa bahay ng pamilya Paiton ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Sa phone interview, sinabi naman ni P/Senior Supt. Ceasar Daniel Miranda, hepe ng Puerto Princesa City PNP, lumilitaw na nagtanim ng ma­tinding galit ang suspek sa pamilya Paiton matapos ma­sibak bilang katiwala sa loob ng anim na taon.

Pinaghahanap din ang tricycle driver na sinakyan ng suspek.

Show comments