Dalaga na-gang rape

MANILA, Philippines - Dahil sa panonood ng porno at pagbabasa ng ma­lalaswang babasahin, tat­long lalaki kabilang ang 2 menor-de-edad ang natukso matapos na ireklamo ng isang 19-anyos na dalagang halinhinang ginahasa sa bisinidad ng Barangay Pook sa bayan ng Kalibo, Aklan noong Martes ng madaling-araw. Sa police report na nakarating kay Aklan Provincial Police Office Director Senior Supt. Epifanio Bra­gais Jr., ang biktimang itina­go sa pangalang Brigitte ay lumuluhang dumulog sa himpilan ng pulisya para magsampa ng reklamo laban sa rapist. Naaresto na­man ang isa sa mga suspek na si Arnold Ibanez, 32, ha­bang ang da­lawa pa ay hindi muna tinu­koy ang pagka­kakilanlan da­hil sa pagiging menor-de-edad. Nabatid na nilansi ni Ibanez ang biktima matapos harangin habang naglalakad kung saan ka­sama pa sa panghahalay ang dalawang menor-de-edad.

Show comments