MANILA, Philippines - Nag-alok na ng P.2 milyong reward si Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga suspek na nagmasaker ng pamilya noong Lunes ng gabi. Ayon sa Army’s regional spokesman na si Lt. Col. Samuel Cabang, nasa pangangalaga nila ang iba pang miyembro ng pamilya ng nasawing si ex-Navy Lt. Commander Ernesto Paiton Sr. upang matiyak ang kaligtasan. Isa sa sinisilip na moti bo ay ang paghihiganti at posibleng kakilala ng pamilya Paiton ang mga suspek dahil walang bakas na winasak ang pintuan ng bahay sa Naval Officers’ Village sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City. Napaslang din ang misis ni Ernesto na si Chief Petty Officer Carmelita Paiton, anak na 21-anyos na nurse na si Erlita, at ang dalawang pamangkin na sina Sharon Cabatuan at Renato Cabatuan kung saan pawang pinagtataga.