Piskal pinabulagta

MANILA, Philippines – Kamatayan ang suma­lubong sa provincial pro­ se­­cutor habang nagjo-jogging makaraang pagba­ ba­rilin ng dalawang na­kamo­tor­sik­long lalaki sa bahagi ng Barangay Tu­god sa Iligan City, Lanao del Norte noong Miyer­kules ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Bernardo Reamon, provincial director ng Lanao del Norte Police Office, napu­ru­han sa dibdib at ulo si Piskal Maca­datar Mar­sangca.

Naganap ang krimen bandang alas-6:45 ng uma­ga sa loob ng Prcye Pro­perty sa nabanggit na ba­rangay kung saan nagjo-jogging ang bik­tima ka­sama ang ilang kaibigan nang biglang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Pinaniniwalaang inaba­ngan ang biktima sa naka­gawian daanan sa page-ehersisyo tuwing umaga kaya madaling naisagawa ang pamamaslang.

Sinisilip ng mga imbes­tigador ang anggulong may kinalaman sa sensitibong trabaho ng biktima, clan war ng magkakalabang angkan at land dispute ang isa sa motibo ng pama­maslang. Joy Cantos at Gemma Amargo-Garcia 

Show comments