Magsasaka inutas ng pulis

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa pinag-aagawang lupain ang isa sa motibo kaya pinagbabaril at napatay ang isang magsasaka ng kaniyang bayaw na pulis sa bahagi ng Barangay Malabago sa bayan ng Mangaldan, Panga­sinan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Medical Centrum Hospital sa Dagupan City si Reynaldo de Vera, 56, habang tugis naman ng kanyang kabaro ang suspek na si SPO1 Narciso Muerong na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Agno. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagkaroon ng pagtatalo ang magbayaw dahil sa matagal nang alitan sa lupain kung saan humantong sa krimen.

Show comments