3 aircon bus sinilaban

MANILA, Philippines - Sinilaban ng mga armadong kalalakihan na nagpa­kilalang mga rebeldeng New People’s Army ang tatlong aircon bus ng Victory Liner sa panibagong paghahasik ng karahasan sa Barangay Estrada, Capas, Tarlac noong Sabado ng gabi. Batay sa ulat ng Police Regional Office 3, bandang alas-10:20 ng gabi nang salakayin ang compound ng Victory Liner kung saan dinisarmahan ang mga security guard. Kabilang sa dalawang yunit ng bus na sinunog ay may plakang CVD 236 at NXX 874 habang bahagya naman nasunog ang ikatlong bus na may plakang CKB 516 kung saan hindi pa nakuntento ay pina­putukan pa ang generator ng compound. Pinaniniwa­laang may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde.

Show comments