Tirador ng computer, timbog

CALUMPIT, Bulacan, Philippines  — Isang miyembro ng hinihinalang notoryus na robbery gang na respon­sable sa serye ng mga na­kawan ng mga mama­ha­ling computer sa mga es­tablisyemento ang nasa­kote sa Brgy. San Marcos sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Ang nasakoteng sus­ pek ay nakilalang si June Ca­bungan, 38 ng Malolos City habang pinagha­ha­nap pa ang kasamahan ni­tong tinukoy sa panga­lang Nog­nog.

Inireklamo ng negos­yan­teng si Roxan LLamas 27, dalaga, residente ng Brgy. San Marcos ang pag­nanakaw ng mga sus­pek sa dalawang CPU ng kani­yang mga computer.

Base sa imbestigasyon ni P/Insp.Edgardo Acosta dakong alas-12:10 ng ma­daling-araw ay puma­sok ang dalawang kawatan sa computer shop na pag-aari ni Llamas upang mag­kun­waring gagamit ng computer sa pag-internet.

Habang kinakausap umano ni Llamas si Ca­bungan ay kinuha naman ni Nognog ang naturang mga CPU.

Sa follow-up operations ay nasakote naman ang dalawang suspek.

Show comments