Dalaga ni-rape, tsinap-chop ng suitor

MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na wakas ng buhay ng isang 20-anyos na dalaga ma­ka­raan itong gahasain at i-chop chop pa ang ka­tawan ng pinaghihina­laang b­inas­ted nitong manliligaw na ex-convict sa Barangay Paga­lungan, Caga­yan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ruby Jane Abalde, resi­dente ng nasabing bara­n­gay na positibong kinilala ng kaniyang pa­milya.

Sa report na nakara­ting kahapon sa Camp Crame, ang biktima ay iniulat na nawawala ni­tong Huwebes at nitong Biyer­nes ng ban­dang alas-7 ng umaga ay bu­mu­­laga sa mga resi­dente ng na­sabing Baran­gay ang tsinap-chop ni­tong ka­tawan sa isang ma­da­mong bahagi sa lugar.

Sa pahayag sa mga awtoridad ni Gerald Abe-Abe, naghihinala silang ang ex-convict na si Rey­nante Luminda na binas­ted ng dalaga ang nasa likod ng karumal­dumal na kri­men.

Nabatid na si Luminda ay bagong laya lamang mula sa Prison Farms sa Davao Del Norte.

Sa follow-up operations, sinalakay ng mga opera­tiba ng pulisya ang tinutu­luyan ni Luminda sa lugar pero sa halip na su­muko ay nakipagbarilan pa gamit ang isang cal. 38 sa mga awtoridad na siyang naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. With trainees Rafael Zapanta/Mary Joy Mon­dero

Show comments