BUENAVISTA, Quezon, Philippines — Isang ginang ang hinihinalang hinalay saka pinatay ang natagpuan hindi kalayuan sa tahanan nito sa bayang ito kamakalawa.
Ang biktima ay nakilalang si Gina Banquillo, 36- anyos at nakatira sa Barangay San Vicente ng bayang ito.
Ayon kay PO3 Eugenio Antes Jr., dakong alas-3:00 ng hapon ng matagpuan ang biktima ng kapatid nitong si Ma. Charity may ilang metro sa kanilang bahay na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
May hinala ang mga awtoridad na ginahasa muna ito ng hindi nakilalang suspect bago pinatay dahil walang saplot ang bangkay ng biktima ng makita ito ng kanyang kapatid.
Natagpuan din ng mga awtoridad ang isang gulok na posibleng ginamit sa pagpatay sa biktima sa tabi nito.